Tag Archives: heart

BHKJOURNAL_2017_0003: KWENTO NG AKING KAIBIGAN… Nagmahal. Nasaktan. Nangarap Muli.

KWENTO NG AKING KAIBIGAN… Nagmahal. Nasaktan. Nangarap Muli

By: “BraveHeartKid” Libert Ong (@libert_ong)

February 8, 2017

 

hearts-in-heart-enhanced

Nang kayo’y nagkakilala,

Mundo niya’y nagbagong bigla;

Mula sa inyong hi at hello,

Nauwi sa pagiging isa ng inyong mundo.

 

Pagsasama ninyong dalawa ay kaysaya,

Mundo’y tumigil dahil sa inyong tuwa;

Halos lahat ng pangarap ay natupad,

Tila bas a lupa ay hindi na sasayad.

 

Ngunit isang araw nagbago na lang

Pagmamalan ninyo’y tila ba kinalawang;

Tiwala sa isa’t-isa’y biglang naglaho,

Unti-unti nawala ang kinang sa mga puso.

 

Natigil ang dating kaysayang pagsasama,

Mga pangarap tila ba bigla na lang nawala;

Ngunit ang aking kaibigan ay patuloy umaasa sa pagbabalik

Ng mga pusong sa isa’t-isa’y sabik na sabik.

 

Naitulak kang palayo ng aking kaibigan,

Ngunit unang nangulila ay siya naman;

Inakala niyong tunay na pag-iibigan,

Nauwi na ngayon sa pusong nagsasakitan.

 

Ang kwentong sana’y wala ng hanggan,

Ngayon ay nasa nakaraan na lamang;

May iba ka na raw yatang natagpuan

At sa kanya naman ay may nagpaparamdam.

 

Minsan kanyang inakala na mayroon ng pumalit,

Ngunit puso ay sadyang mayroon pa ring pait;

Hindi sapay upang punan ang inyong iniwan,

Nawa’y aking kaibigan maging masaya naman.

 

Salamat sa binigay mong pagmamahal sa kanya,

Hanggang ngayon siya’y nangungulila;

Ngunit huwag kang mag-alala masyado,

Dahil tunay na matatag ang kaibigan ko.

 

Ngayong Pebrero mukha lamang siyang malungkot

Pero tuhod niya’y di naman kailangang bumaluktot;

Sapagkat alam kong sa tamang panahon,

May bagong kwentong darating na hinding-hindi na maibabaon.

 

Salamat sa inyong istorya,

Nakagawa na naman ako ng isang tula;

Ano mang mangyari sa pag-iibigan dito sa mudo,

Sa Panginoon lang natin makikita ang katunayan nito.

 

Ang Panginoon ay gagawa ng inyong tunay na kwento,

Kwentong hindi malilimot kailanman ng buong mundo;

Kwentong magbibigay ng panibagong pangarap kasama Siya sa dulo ng walang hanggan,

Kwento ng pait tiyak na mapapalitan ng tunay na kailgayahan.

Advertisements