BHKJOURNAL_2016_00002: REKLAMONG WALANG KWENTA!

REKLAMONG WALANG KWENTA!

Libert A. Ong (Brave Heart Kid)

January 12, 2016

 

rEK

Reklamo ka ng reklamo sa gobyerno,

Kung saan-saan mo naman itinatapon ang kalat mo;

Gobyerno, huwag mo nang hintayin pa dumami ang reklamador

Upang gampanan ang tungkulin mo sa bansang nasa equador.

 

Reklamo ka ng reklamo sa mga magulang mo dahil maliit lang ang baon mo,

Aba’y matuto kang magtipid at maging magalang dahil matindi na ang hirap nila sa iyo;

Sa mga magulang naman na reklamo ng reklamo dahil sa pasaway na mga anak,

Tingnan din ninyo baka nga naman may pagkukulang din na nagaganap.

 

Reklamo ka ng reklamo mo dahil mahirap ang pinapa-exam ng guro sa paaralan,

Mga iho’t-iha, nakinig ba kayong mabuti ng itinuro nila ito upang kayo’y may matutunan?

Sa mga guro naman na reklamo ng reklamo dahil sa mga sakit sa ulong mga estudyante,

Ginabayan ba ninyo sila ng mabuti o nagtuturo ka lamang para kumita ng malaki?

 

Reklamo ka ng reklamo sa liit ng iyong sweldo,

Pero ayaw mo naman ayusin ang trabaho mo;

Reklamo ka ng reklamo dahil mga empleyado mo tamad na tamad na,

Ngunit ina-alam mob a ang kalagayan nila o puro ka na lang utos at pang-aabuso sa kanila?

 

Reklamo ka ng reklamo sa mga bagay na walang ka-kwenta-kwenta,

Pero kapag ikaw na ang may sala, hugas kamay ang siyang namimihasa;

Reklamo ka pa rin ng reklamo dahil ‘di ka naman tinataman kahit ng nakakasakit na tulang ito,

Sarili mo naman kasi ayaw kumilos upang ika’y magkasilbi at tigilan na ang pagrereklamo!

 

Nakakasawa na ang mga reklamong walang kwenta,

Lalo na kung nagsisimula ito sa mga taong wala namang disiplina;

Kaya kung ako sa iyo tigilan mo na ang parereklamong walang silbi,

Magbanat na lang ng buto, makipagbayanihan at pairalin ang disiplina sa sarili.

 

Kung gusto mo na tigilan ang pusong puno ng pagrereklamo,

Ika’y pumukit, lumuhod at sa Kanya magsumamo;

Humingi ka ng tulong sa ating Panginoon,

Tiyak ang tagumpay sa Kanya upang ika’y maging mahinahon.

 

Mahirap makamit ang pagbabago sa pagiging reklamador,

Ito ay proseso kahit itanong mo pa sa imebstigador;

Ngunit desisyon mo upang baguhin ang ugaling nakagawian,

Hudyat ng pagbabagong inaasam-asam.

 

Kung sa Diyos natin iaasa ang mga kahilingan natin,

Tiyak lahat ng ito’y Kanyang sasagutin;

Hindi na kailangan pang magreklamo pa sa Kanya,

Alam na Niya ang mga kailangan natin dahil Siya ay Diyos Ama.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s