BHKJOURNAL2011_0004: Meet the Nogoys…

MEET THE NOGOYS

Brave Heart Kid (February 28, 2011)


Ilang araw nagplano upang makapag-Sundae

Ngunit ‘di matuloy-tuloy kahit pa Sunday.

Nagpunta pa nga ako ng Baguio

Pero “Sundae Date” tila ba malabo.

 

Sa aking pagbabalik Nueva Ecija,

Planong makapag-Sundae natupad na.

Kailangan lang pala dumalaw sa Talavera

Upang “Sundae Date,” sa planner mamarkahan na.

 

Sa una tila ba simpleng paglibot lang

Hanggang sa makilala ang iba’t-ibang nilalang.

Higit pa sa pagkakakilala sa alkalde ng bayan,

Pamilya Nogoy, isa-isang nakilanlan.

 

Natuwa ako sa aming mga kuwentuhan

Pati na sa pagkain ng isdang kay tagal bago muling natikman.

Salamat sa inyo pamilya Nogoy;

Si Brave Heart Kid tunay na nag-enjoy.

 

Hindi man tayo nakasama sa Panagbenga

Nagdiwang naman tayo sa Talavera.

“Up close and personal” pa kay Mayor Nerito Santos

Kaya “picture-picture” ay sadyang ayos na ayos.

 

Wala mang float parade na nakita

Sumakay sa train kasama ng madla, tunay namang kaaya-kaya.

Pati na ang mga batang sumama sa pag-lilitrato

Alam ko sa hinaharap ay aasenso.

 

Salamat sa mahal na Panginoon

Siya ang nagbigay sa atin ng probisyon.

“Sundae Date” sa araw ng Saturday

Sa wakas naisagawa matapos ang “EDSA Day.”

 

Sa pagtatapos ng kuwentong ito

Nais kong ibahagi ang nakinita ko.

Kaya humanda na ang bawat isa

Sapagkat biyaya, sa Talavera’y parating na.

 

Sadyang kay ganda ng inyong plaza

Tila ba mga tao’y nabibigyan ng pag-asa;

Ngiti at pagmamahal sadyang kapansin-pansin

Bawat bisita’y ramdam ito at sinisimsim.

 

Ngunit pag-upo ko sa isang kainan

Ang daming nakitang nakamaskarang mamayan.

Sa bawat pagdaan ng mga sasakayan,

Pasan-pasan nila’y tila ba bumibigat ang timbang.

 

Napalingon ako sa Sundae na ginawang trianggulo

At biglang nadinig ang nangungusap na simbulo;

Nanawagan sa mga pusong mabilis ang pagtibok

Upang ipakilala ang tunay na Tatsulok.

 

Muli, salamat sa inyo Pamilya Nogoy;

Sa alon ng buhay, ituloy lang ang paglangoy.

Maging matatag lang sa lahat ng oras,

Ituloy din ang sipag hanggang wakas.

 

Talavera, salamat sa pag-papaunlak

Pagdalaw sa iyo’y tila ba pagkuha ng ginto’t pilak.

Nakikinita ko ang isang pag-asang parating

Sa itinakdang oras, ito’y iyong yayakapin.

Advertisements

2 thoughts on “BHKJOURNAL2011_0004: Meet the Nogoys…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s