BHKJOURNAL2010_0018: TULA NI “JUAN” NA WALA PANG TITULO…

Mahigit dalawang buwan na akong walang blog na nagawa… Parang binagyo ang aking kakayahan na magsulat ng mga iba’t-ibang istorya kaya ngayong katatapos lang ng bagyong “Juan” at wala na ang malalakas na hangin at ulan, pansamantalan kong puputulin ang trend ng aking blog… Ngayon ay bibigyan ko ang isang tula na aking nagawa ng kami ay naghihintay na makitang muli ang liwanag ni haring araw… Salamat sa “POTCHI Gummy Bears” at kay Gloc-9, naisipan ko ang tulang aking ibabahagi sa inyo…

Ang tulang ito ay wala pa namang titulo sapagkat wala akong maisipa para dito… Kaya heto ako, humihingi ng opinyon ninyo, ano ba ang magandang titulo para sa panibagong tulang ito? Maraming salamat po…

 

Sa ating unang pagkikita,
Di nabigyang pansin ating pagkakakilala.
Ngunit lumipas ang mga panahon,
Nagkaroon nga bagong pagkakataon;
Dito’y nakita mga ngiti sa iyong labi,
Aking hiniling sanay masilayang siyang muli.

Ang pagkakatao’y binigay ng tadhana,
Nakakasama na kita sa luha at tuwa;
Nagsimulang lumalim ating samahan,
At ninamnam ang bawat kuwentuhan.

‘Di naglaon, isang unos ang dumating,
Ika’y napalayo sa aking piling;
Sa una’y ayos lamang sa kalooban
Sapagkat pagkawalay ‘di naman dinaramdam.

Dahil sa unos, marami ang napalapit sa iyo,
Oras mo’y di na sapat kung hahati-hatiin ‘to;
Dito ko naramadaman, ika’y hinahanap-hanap,
Gustong makasama ka kahit sa isang iglap.

Sa bagong liwanag, gustong makasama kang muli,
Ngunit bigla akong nag-atubili;
Sapagkat sa aking paningin,
Oras mo’y mailap na para sa akin.

Kay tagal kong naghintay ng isa pang pagkakataon,
Pati nga plano’y di pa sumang-ayon;
Gayunpaman, puso’y patuloy na magsasambit,
Mga pagmamahal na sa kanya’y nakaukit.

Marami pang ulan, unos at bagyo ang maaring dumating,
Pati na ang panahon ay lilipas din;
Ngunit pagmamahal na matagal ng pinag-ipunan,
Kayang abutin ang dulo ng walang hanggan.

Nasambit na aking nararamdaman,
Patuloy mangangarap ng walang katapusan;
Kung sakali man puso’y iyong pagbigyan,
Ang makatang ito’y magpupuri sa kaligayahan.


Eto lamang po… Mayroon din English version ito pero hindi pa tapos ang pag-encode =)

Advertisements

4 thoughts on “BHKJOURNAL2010_0018: TULA NI “JUAN” NA WALA PANG TITULO…”

  1. share ko lang to, from owel alvero, as we’re in the subject of….love. haha

    Patintero/Habulan/Larong Kalye — Owel Alvero of ABS
    patintero.
    sa tapat ng bahay mo tayo maglalaro.
    kung saan nahahati ang daan
    ng mga linyang magtuturo na kahit laro ay meron ding hangganan.
    patintero.
    sa ilalim ng araw tayo maglalaro.
    kung saan tayo ay sinusundan
    nitong aninong magsasabi na bawa’t galaw ay may kahulugan.

    nais kong mahagip ang damdamin na bumubulusok,
    paliliparin nitong natatangi nating pagsuyo.
    tulin ng patuloy na tibok ng aking puso.
    ang naiiwang tanong na lang ay kung papano.

    tao po! yayayain sana kitang maglaro nang kahit sandali lang.
    gusto mo, pwede tayong mag-piko.
    pato mo ang aking puso at ‘wag mong aapakan ‘to.
    kung ika’y aking mahuli, ‘
    di ko ka’gad masasabi kung ano ang una kong gagawin sa’yo…
    kung ika’y maabutan,
    hinding hindi ka bibitawan
    kasi kanina pa tayo naghahabulan

    Halika na! wala ng tao sa kalsada
    Tayo’y maglaro na muna, kahit sandali lang
    Magtago ka, ako na muna ang taya
    di ako titigil hangga’t di kita nakikita

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s