BHKJOURNAL2010_0009: HULING HABILIN SA ELEKSYON 2010…

Ngayon ang huling araw ng pangangampanya ngunit hindi na ako mangangampanya pa para sa aking mga kandidatong sinusuportahan. Bagamat ‘di ko sila ikakampanya, ako nama’y nangangampanya para sa pagkakaisa ng bawat Pilipino para sa ating bayan!

Tayo po ay bumoto sa darating na Lunes sa kauna-unahang pagdaraos ng automated elections sa ating bansa at ipagdasal na ito maging matiwasy, malinis at payapa.

Napansin ko lamang sa mga nakaraang buwan, linggo at araw na iba-iba ang piniling kandidato ng aking mga kapamilya, kapuso, kapatid, kapanalig, kaibigan at iba pang mga nilalang.

May mga matindi pa ngang mga katanungan na ibinato sa akin sa pagsasagawa ko ng simpleng surbey na tipong ako ang tumatakbong kandidato ang tinitira ng kanilang mgabatikos.

May mga nagkuwestiyun din kung pinagdasal ko pa ang aking napiling kandidato at kung sainabi ba sa akin ng Panginoon na siya ang karapat-dapat iboto.

Ang iba naman ay gusto makipagtalo at nakikipag-debate pero alam mo namang gusto lang nila tirahin ang kahinaan ng presidenteng aking iboboto at hindi para makumbinse silang iboto ang aking napili dahil sila mismo ay may napili ng iboboto at kahit ano pang pangangampanya ay di na mapapalitan ang boto nila. Bakit pa kailangan magtalo para lang sa magkaiba pa ring opinyon hanggang matapos ang usapan?

Tinanong ko rin ang iba’t-ibang mga tao kung pinagdasal ba nila ang mga iboboto nila at lahat sila ay sumagot ng oo pero iba-iba ang kanilang pinili. Sino ba talaga ang nakadinig ng boses ng Panginoon sa pagpili ng ating susunod na pinuno? Yan ang hindi ko masasagot pero kahit sino pa ang manalo alam ko ang Panginoon ang magpapatakbo ng ating bansa!

Sa darating na Lunes, ang daming haka-haka at mga negatibong mga bagay na pinangangambahan na mangyaring ‘di kaaya-aya pero sa tingin ko ang pagkakaisa ay nagsisimula kung tayo ay magtitiwala sa Maykapal na magiging matiwasay ang ating halalan at tiwala sa kakayan ng bawat isa na magampanan ang tungkulin sa araw na iyon.

Kayo po aking minamahal na mga kababayan, mgkakaiba man ang ating adhikain sa larangan ng pulitika, ako ay nanawagan na i-respeto po natin ang desisyon ng bawat mamayaman bilang tanda ng ating pagkakaisa!

Imbes din po na tayo ay mag-isip ng negatibo at palakihin ang pangamba, tayo po ay magtiwala sa Panginoon para sa malinis at tapat na halalan. Ang milagro ay hindi po imposible sa Kanya.

Ngayong 2010 , magkakaroon tayo ng bagong Pangulo… Ang aking hiling sa aking mga kababayan, suportahan natin ang sinumang maluluklok sa puwesto kahit na hindi siya ang ating ibinotong kandidato sapagkat magkakaisa lamang ang ating bayan at matutupad ang ating mga panalangin sa Maykapal kung tayo ay magtitiwala sa Kanya at iisa ang ating adhikain para sa ating bayan!

Sabi nga po ng isa kong kaibigan sa kanyang piniling kandidato, “I know God will use him to turn things around in our nation despite of him having weaknesses.”

Mahal ko ang aking lupang sinilangan, ang Pilipinas ang tahanan ng aking lahi! Dito sa bansang ito nakatira ang mga bayani!

Sa huli, ang plano ng Panginoon ang siyang maghahari!

————————————————————————————————————————————————-

Psalm 33:12

12 Blessed is the nation whose God is the LORD,
the people he chose for his inheritance.

Advertisements

One thought on “BHKJOURNAL2010_0009: HULING HABILIN SA ELEKSYON 2010…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s