WE ARE MOVING ON


Sabi ko po ng magsimula ang taong ito, it will be a year of breakthroughs at bago matapos ang taon, naging year of the break-up siya!

Ilan po sa aking mga kaibigan ay nagkaroon ng break-up sa taong ito! Ilan po sa kanila ay wedding bells na lang ang hinihintay ngunit nagbago ang ihip ng hangin!

Ilan din sa aking mga kaibigang lalaki ay hindi pumasa sa knailang mga nililigawan at ilan sa mga kaibigan kong babae ay nasakatan ng mga mapanlinlang na galaw ng mga gusto nilang mga lalaki.

Hindi ko na po sasabihin kung sino ang mga ito pero lahat po sila ay nasaktan. Kaya next time, tandaan niyo, “NEVER ASSUME UNLESS IT IS STATED!”

Speaking of nasaktan! Nasaktan din po ako para sa mga kaibigan ko at di lamang iyon… Ako ay nakaranas rin po ng sakit sa mga nangyari sa aking buhay.

————————————-

Naalala ko noong nakaraang buwan sabi ko sa isang plurk message ko na I AM REFUSING TO FALL IN LOVE… Hindi lamang po iyon sa girlfriend-boyfriend kind of love kundi sa nangyari sa paligid ko…

Dapat po ay patungo na ako sa isa sa mga pangarap ko na maging ngunit may mga pangyayaring naganap na naging daan upang ako maging un-employed na naman!

Dumating ang literal na mga bagyo sa bansa at mga bagyo sa aking buhay lalo na sa pinaka-pinahahawakan kong PAMILYA!

Sobrang mahal ko po ang FAMILY namin and for 26 years, na-so-solve namin ang mga problema namin internally until September came!

I was really broken ng ma-confirm na may iba ng pamilya ang tatay ko(ngayon taon lang namin na-open ang problema kasi di na namin na kami na lang kasi may involve ng mga tao). September 2 ko na-confirm just for days before September 6. According to my birth certificate yun ang marriage date ng mga magulang ko, 1st time ko sana sila mababati ng Happy Anniversary pero isang dagok ang dumating!

Kasunod pa nito ang operasyon ng aking nanay sa Saudi na medyo kritikal!

Masakit! Broken kaming lahat sa pamilya at nakita ang buong istorya! Sobrang sakit na para bang ayaw ko na magmahal muli!

Gusto ko magalit ng lubos at di ko matanggap na nakalista na kami sa broken family list
pero ang nakikita ko ay ang masasayang memory ng aming pamilya…

Feeling ko ng mga panahon na iyon, wala na akong mamahaling tao, kahit crush walang pumapasok sa isip ko… Nasaktan ako dahil sa pamilya ko, nasaktan ang mga kaibigan ko, naskatan ang buong angkan, hahayaan ko bang may masaktan pang muli?

Pero dahil ang ating DIYOS ay DIYOS ng pagmamahal at pagpapatawad. Sinimulan ko ulit magpatawad, magmahal, maghanap ng mga inspirasyon at mag-MOVE ON! Tinulungan din ako nga Small Group Leader ko at mga kaibigan ko upang muling makaahon!

Ilang luha ang aking iniiyak sa Panginoon at ilang pagluhod sa lupa ang aking ginawa upang magkaroon muli ng pagmamahal sa aking puso. At ang Panginoon ay sadyang may awa at di Niya ako pinabayaan.

Gusto ko pasalamatan sina Kuya Gerard, Melay, Jesse, Nathz, Sally, Charlie, Juancho, Jeoffrey, Jomark, Darryl, Ate Cathy at sa mga hindi ko nabanggit na tumulong sa akin… Pasensiya na pero maraming-maraming salamat talaga sa inyong lahat!

Nagsimula akong mag-MOVE ON, I entrusted everything to my GOD, I persevere and never gave up and my GOD started to control our lives once again!

Kanina, tinawagan ako ng Mommy ko (kaka-birthday lang niya nung isang araw), nag-start na rin siya mag-move on at ang mga kapamilya namin na dating galit na galit sa kanya ay nakita ang tun
ay na pangyayari at nagsisimula ng maki-pag-ayos sa kanya…

Tulad ng story ni Job sa Biblya, nang nawala ang kanyang pamilya, mas naging fruitful pa ang naging kapalit. Alam ko may mas magandang plano ang Diyos sa pamilya namin!

Hindi pa Siya tapos sa aming pamilya! Ako ay umaasa pa rin na pagdating ng panahon, maaayos din ang lahat! Isang leverage lamang ito sa buhay ni BHK na mahirap tapakan sapagkat may sira na di pa naayos pero darating ang panahon na mararating rin ang top of the ladder!

Nagyon ay natuto akong magmahal muli! Bumalik ako sa first love ko – si GOD! Ang aking BESTFRIEND, aking LORD at aking FATHER!

Natuto ulit ako magkaroon ng inspirasyon sa buhay at lumawak pa ang vision ko para sa mga tao sa paligid ko kabilang ang aking mga kaibigan pati na ang bansang Pilipinas! Truly, GOD is in control of everything! =)

WE ARE NOW MOVING ON! =)

Philippians 3:12-14 (NIV)

12Not that I have already obtained all this, or have already been made perfect, but I press on to take hold of that for which Christ Jesus took hold of me. 13Brothers, I do not consider myself yet to have taken hold of it. But one thing I do: Forgetting what is behind and straining toward what is ahead, 14I press on toward the goal to win the prize for which God has called me heavenward in Christ Jesus.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s