ANG MAMATAY NG DAHIL SA’YO

ANG MAMATAY NG DAHIL SA’YO (November 26, 2009)
By: Libert Ong (Brave Heart Kid)

Mahal ko ang bansang Pilipinas! Ikaw mahal mo rin ba ang bayan mo?

Noong mga nakalipas na buwan, sunud-sunod na Baguio ang dumating sa ating bayang sinilangan na tila ba katapusan na ng ating pamumuhay dito sa mundo.

At pati ang ating likas na yaman ay unti-unting nasisira dahil sa mala-delubyong pagsubok na ating dinaranas o dinanas.

Ilang araw lamang ang nakaklipas magpasahanggang ngayon, maraming mga kababyan natin ang binawian na ng buhay dahil sa karahasan na naganap sa Maguindanao na pinaniniwalaang may kaugnayan sa politika.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtaas ng petrolyo, pangaunahing bilihin at malamang ay maging hudyat din ng pagtaas ng pamasahe.

Ang ating gobyerno naman ay patuloy pa rin sa pangunguna pagdating sa korupsyon.

Ang ating mga kababyan ay na-aagrabyado pa rin sa ibang mga bansa.
At ang mga nakatira sa Pilipinas ay patuloy na naghihikahos sa buhay.

May pag-asa pa nga ba ang ating bayan upang makaahon muli?

Ako po ay naniniwala na sa kakayahan nating mga Pinoy na magkaisa at masgsimula ng pagbabago para sa ating Inang Bayan.

Ako po ay nagdarasal na muling umunlad ang ekonomiya ng ating bansa.

Alam ko at may pananampalataya ako na sasagutin ng Maykapal ang ating dalangin. Ngunit hindi nagtatapos doon ang lahat, kailangan din natin reumesponde sa Kanyang pagtawag na pangalagaan ang bansa na ipinagkaloob Niya sa atin.

Marahil, ako ay parte ng isang movement ngayon na nagsusulong sa kandidatura ng isang presidentiable pero ang aking adhikaning ibabahagi sa inyo ay isang personal na pananaw.

————–

MARIIN ko pong KINOKONDENA ang pag-massacare sa mga kababayan kong nasa Maguindanao!

Parte din po ako ng mga mamamahayag na may kalayaang makapagsabi ng saloobin. Alam ko po na may mga napaulat na kapatid naming mga mamamahayag ang namatay sa brutal na pamamaraan.

HINDI po MAKATARUNGAN ang ginawa niyong pamamaslang sa ating mga kababayan na ang iba ay wala naman kinalaman sa mga pansarili niyong interes!

Tulad nga po ng napag-usapan namin ng aking kaibigan, nakakainis na po ang nangyayari sa ating bansa! Kailangan na ng pagbabago sa lipunang ito!

Hindi po kami titigil sa aming laban para sa aming mga kababayan.

Maybe I am risking my life in writing this post but as Ninoy said, “The Filipinos are worth dying for.” My mother (who’s celebrating her birthday today) might not allow me to write this one but I have to do something for my country and countrymen!

Tama na po ang korupsyon! Tama na ang pagiging ganid sa kapangyarihan at sa kayamanan. Ibalik natin ang tunay na demokrasya sa Pilipnas! At bilang simula, tayong magkakabayan ang magkaisa muna dahil hindi kayang mag-isa ng lider ng ating bansa na paunlarin ang bayan kung di natin siya tutulungan!

Bilang isang mamamayan, sisimulan ko ang ilang mga simpleng hakbang para sa pagbabago ng bayan:
* Mag-se-seggregate ako ng basura…
* Tatawid ako sa pedestrian lane…
* Pipila ako ng tama…
* Magbabayad ako ng tamang buwis…
* Bibigyan ko ng VISION ang mga kabataan na may pag-asa pa sa ating
bayan…

Maaring simple lamang po ang mga hakbang na ito ngunit alam ko marami ang hindi sumusunod sa mga alituntuning ito. Masakit pa, ilan sa kanila ay lider ng bansa, mga pastor o mga pari, mga leader ng organization at mga nagpapatupad ng batas. Sila pa ang unang mga pasaway, paano tayo magiging maunlad kung ganyan?

Minsan sa aking buhay ay naging guilty din ako sa mga bagay na ito! Inaamin ko nagkamali din ako.

At dahil gusto ko makita ang pagbabago, sisimulan ko ito sa sa sarili ko. Kakalimutan ko na po ang mga pagkakamaling iyon at susuungin ko ang magandang kinabukasan na parating para sa ating bayan. Makikita ko ang pagbabago at gagawa ako ng paraan para dito sa tulong ng sa ati’y Lumikha.

Matagal ko na pong hinahangad na makapag-lingkod sa ating bayan at mag-iwan ng marka sa buhay ng lahat ng sektor ng bayan. Ngayon ay nabigyan ako ng pagkakataon na impluwensiyahan ang media at politika. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para sa bansang Pilipinas at para sa aking mga kababayan.

Hanggang kamatayan ay maglilingkod ako sa Lupang Hinirang dito sa Asya sa kahit na anong pamamaraan!

So help me GOD!

Advertisements

2 thoughts on “ANG MAMATAY NG DAHIL SA’YO”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s